Welcome, visitor! [ Register | LoginRSS Feed

Premium WordPress Themes - AppThemes
Post an Ad

Mga Suspek Sa Pagbomba Sa Davao City, Arestado Na

  • Listed: November 23, 2016 8:51 am

Description

DAVAO CITY – Pagkalipas ng mahigit isang
buwan ay naaresto na rin ang suspek sa naganap
na madugong pagsabog sa Roxas Night Market
sa Davao City na ikinamatay ng 15 katao at
ikinasugat ng 69 na iba pa noong Setyembre 2.
Ito ang ibinalita sa isang press briefing ni Mayor
Sarah Duterte-Carpio at ni Defense Secretary
Delfin Lorenzana.
Labis na ikinagalak naman ng kasalukuyang
alkalde ng lungsod na panganay na anak ni
Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaaresto sa
mga suspect.
“This development is commendable as we vow to
expeditiously give justice to the 15 victims who
died and the 69 others wounded in the blast,”
pahayag ng nakababatang Duterte.
Ayon pa sa alkalde, ang pagkaaresto sa mga
suspek ay simula pa lamang ng paglutas sa kaso
upang malaman kung sino ang nasa likod ng
pagsabog at para mapigilan na rin ang mga
susunod pang walang katuturang hakbangin pa
ng grupo.
Sa paunang imbestigasyon ay napag-alamang
ang mga suspek ay gumamit ng “improvised
explosive device “(IED) galing sa 60mm at 81mm
na mortar, kaparehas ng bombang ginamit sa
naunang pagpasabog sa Ecoland Terminal doon
rin sa Davao City.
Matatandaang naglagak ng 3-milyong pabuya
ang gobyerno ng Davao City para sa sinumang
makapagtuturo o makapagbibigay ng
impormasyon hinggil sa mga suspek.
Mayroon pang 9 na suspek ang nauna nang
nasampahan ng kaso kaugnay sa naganap na
pagbomba sa lungsod ngunit iisa pa lang dito ang
kinilala ng mga nakasaksi, ayon sa mga naunang
report.
Ang mga nahuling suspek ay iniharap ng
pamunuan ng AFP sa mga mamamahayag sa
Camp Aguinaldo at pinangalanang sina TJ
Tagadaya Macabalang, Wendel Apostol Facturan,
and Musali Mustapha na diumano’y mga
miyembro ng Maute Group.
Itinuturing rin na sarado na ang kaso ng
madugong trahedya sa lungsod.
“We have recovered solid pieces of evidence
showing that they are indeed the terrorists who
bombed Davao City on September 2. The Davao
bombing case is closed, ,” ayon sa opisyal.
Isinagawa umano ang pag-atake bilang bahagi ng
‘diversionary tactic’ ng grupo upang mahati ang
atensiyon ng gobyerno mula sa isinasagawang
operasyon laban sa bandidong Abu Sayyaf.

source: http://balita.definitelyfilipino.com/posts/2016/10/mga-suspek-sa-pagbomba-sa-davao-city-arestado-na/

Comments

Ad Reference ID: 4715835588f5685b

No Tags

415 total views, 1 today

  

To inquire about this ad listing, complete the form below to send a message to the ad poster.

Sponsored Ads

Sponsored Ads

  • Ad 1
  • Ad 2
  • Ad 3
  • Ad 4

Sponsored Ads

Propellerads